Abante Tonite
Mabilis sa Balita

8-anyos nabaril ng kalaro

0 114

Nakaratay pa sa pagamutan ang isang 8-anyos na lalaki nang aksidente itong mabaril sa ulo ng 13-anyos na kaibigan kamakalawa sa Ormoc City.

Sa ngayon ay wala pa ring malay ang biktima habang naka-confine sa OSPA Farmers Medical Center.

Samantala itinurn-over na ng mga opisyal ng barangay ang 13-anyos na suspek sa pulisya.

Sa ulat, isang tawag ang natanggap ng Ormoc City Police Station 1 kamakalawa ng hapon hinggil sa pamamaril sa Barangay Hugpa kaya agad rumesponde ang pulisya.

SM food to go Banner Ad

Sa imbestigasyon, naligo ang magkakaibigang menor de edad sa Panlian River kamakalawa kabilang ang 8-anyos na biktima.

Dumating naman doon ang 16-anyos na binatilyo na siyang may-ari ng boga at inilapag ang improvised gun o paltik na kung tawagin sa kanilang lugar ay `boga’ kung saan naligo rin ito.

Ginagamit ng binatilyo ang boga pamaril sa ibon.

Habang naliligo, dumating naman ang 13-anyos na suspek, kinuha ang boga at pinaglaruan.

Itinutok niya ito sa 8-anyos na biktima na aksidenteng pumutok at nasapul sa kanang bahagi ng ulo. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.