Abante Tonite Interactive

8-anyos napatay ng totoy

439

Patay ang isang 8-anyos na lalaki nang aksidenteng mabaril ng 12-anyos na totoy habang kumakain sa loob ng bahay sa Barangay San Gabriel, Tuguegarao City, Cagayan noong Sabado.

Ayon kay Tuguegarao City Police Station (TCPS) officer Police Lt. Isabelita Gano, hindi muna binanggit ang pagkakakilalan ng mga menor-de-edad na biktima at suspek.

Sa imbestigasyon, nakakita ng shotgun ang 12-anyos na suspek, na inakalang laruan lamang sa isang sulok habang kumakain kasama ang isang anim na taon gulang at kapatid ng biktima.

Habang nilalaro ng biktima ang shotgun, pinukpok niya ito sa semento at biglang pumutok.

Dito tinamaan ang 8-anyos na biktima sa ulo sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Sinabi ng TCPS na namasyal lamang ang suspek sa bahay ng biktima para makipaglaro kung saan silang tatlo lamang ang naiwan sa bahay dahil lumabas ang lolo at tatay ng biktima.

Sa ngayon, inaalam pa ng TCPS kung kanino nakapangalan ang baril na ginamit. Ang suspek naman ay dadalhin sa Tuguegarao City Department of Social Welfare and Development para sa counseling. (Allan ­Bergonia)

Tonite – Wendys Inhouse Ad