Abante Tonite Interactive

8 arestado sa illegal drugs

By
10

Walong sangkot sa ­illegal drug operation ang inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa magkakahiwalay na lugar sa Malate, Maynila kahapon.

Nabatid na unang naaresto sina Sonny Mercado, 38; Eduardo Peado, 46; at Eddie Gareet, 38, ng mga tauhan ng anti-illegal drugs unit ng MPD-Station 9, sa isinagawan­g buy-bust operation dakong alas-2:30 ng mada­ling-araw sa Zobel Street sa Malate na nagresulta sa pagkakakumpiska ng anim na plastic sachet ng shabu.

Hindi na nakatakbo pa ang mga suspek matapos na maagap na madak­ma ng mga pulis nang maaktuhang nagbebenta ng shabu sa isang poseur buyer sa halagang P200.

Alas-3:20 ng madaling-araw naman nang maaresto ng MPD-Station 9 sina Melvin Gamueda, 28; Alberto Martinez, 41; Lito Darantinao, 41; Paolo Carpio, 23; at Jimmy Cacharo, 41, sa Leveriza Street sa Malate, sa isa pa ring buy-bust operation.

Nakadetine sa Malate police station ang mga suspek dahil sa paglabag sa Republic Act 9165.