Abante Tonite
Mabilis sa Balita

8 bagsak sa Mercury Drug gas leak

0 356

Sinugod sa Manila Doctors Hospital ang 8 empleyado ng Mercury Drug makaraang makaramdam ng pagkahilo at paninikip ng paghinga dahil sa nalanghap diumanong gas leak mula sa generator sa kanilang branch sa Zamora Street, Pandacan, Maynila kamakalawa.

Batay sa pulisya, kinilala ang mga empleyado na sina Ricky Pelayo ,Juvy Muldong, Yna Angela Jose, Gielen Salvador, Anna Marie Pinel, Charlene Mae Ednante, Arlene Tanglao, at Mar Rose Dongato.

Naganap ang insidente alas-12:00 ng tanghali sa ikawalang palapag ng drug store. Kumakain ang mga empleyado nang mag-brownout. Agad umanong na-switch sa electric generator pero makalipas ang ilang minute ay nagsimula nang mahilo at nahirapan humingi ang walo.

Hindi nagbigay ng detalye ang assistant manger ng tindahan dahil nagsasagawa na umano ng imbestigasyon ang kompanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.