Abante Tonite
Mabilis sa Balita

8 bayan sa Camarines Sur, COVID high risk – DOH

0 233

Inilagay ng Department of Health (DOH) ang 8 bayan sa Camarines Sur sa klasipikasyon na `high risk’ dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Kabilang sa 8 bayan ang Bombon, Camaligan, Canaman, Caramoan, Pamplona, Pasacao, Sagñay at San Jose. Inirekomenda rin ng DOH-Bicol na ilagay ang mga ito sa “modified general community quarantine (MECQ)”.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang mga lugar na nasa “moderate risk” ay ang mga bayan ng Bato, Bula, Cabusao, Calabanga, Gainza, Garchitorena, Lupi, Magarao, Milaor, Minalabac, Nabua, Pili, Ragay, Tigaon, at mga lungsod ng Iriga at Naga at may rekomendasyon na ilagay ang mga ito sa “general community quarantine.”

Sa data ng DOH, nakapagtala na ang Camarines Sur ng 2,666 kaso kung saan 534 sa mga ito ay aktibo. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.