Abante Tonite
Mabilis sa Balita

8 bebot timbog sa pagtutulak

0 112

Dumarami ang bilang ng mga babaeng lumilinya na rin sa pagtutulak nang walo sa 12 inaresto ng Cavite police ay pawang kababaihan sa isinagawang buy bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Cavite.

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Police Office (PPO), isinagawa ang buy bust sa pagitan ng alas-2:45 Sabado ng hapon hanggang alas-11:50 kamakalawa ng gabi sa apat na Lungsod at tatlong bayan sa lalawigan ng Cavite.

Nanguna sa listahan ng may pinakamaraming tulak na naaresto ang Lungod ng Bacoor at bayan ng Tanza na tig-anim; sumunod ang Dasmarinas City na tatlo habang dalawa naman sa Gen. Mariano Alvarez (GMA) at tig-isa sa Trece martires City, Gen. Trias City at Kawit o kabuuang 20.

Sa nasabing operasyon, 8 dito ay kababaihan, lima ay mula sa Bacoor City habang dalawa ay sa Tanza at isa sa Bacoor City. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.