Abante Tonite
Mabilis sa Balita

8-buwan fetus inabandona sa hotel

0 66

Inabandona ng isang walang pusong ina ang 8-buwang fetus sa harapan ng isang gusali sa Quezon City, nitong Linggo ng umaga.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas-5:00 ng umaga (May 1), nang matagpuan ang duguang lalaking fetus na nakabalot sa plastic bag sa center island sa harapan ng Aberdeen Court (Great Eastern Hotel) sa Quezon Ave., Brgy. West Triangle, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PCpl Ryan Deo J Cadlawon, ng Masambong Police Station 2, QCPD, nag-iikot umano ang guwardiyang si Marlon Payanay nang mapansin ang isang plastic bag sa harapan ng hotel.

SM food to go Banner Ad

Nang usisain ang laman, doon na bumungad ang duguang fetus.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung sino ang ina na nag-iwan ng fetus sa harap ng nasabing gusali. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.