Abante Tonite
Mabilis sa Balita

8 chairman lagot sa mass gathering

0 14

Walong kapitan ng mga barangay ang sinampahan ng administratibong kaso ng Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil sa kapabayaan sa pagpapatupad ng quarantine protocols sa kani-kanilang mga lugar.

Kinasuhan ng DILG sina Kapitan Romeo Rivera ng Barangay 171, District II, Caloocan City; Ernan Perez ng Barangay San Jose, Navotas City; Facipico Jeronimo at Jaime Laurente ng Barangays 181 at 182 ng Gagalangin, Tondo, Manila; Marcial Lucas Palad ng Barangay Matiktik, Norzagaray, Bulacan; Jason Talipan at Jimmy Solano ng Barangay Balabag, Boracay Island at Barangay Sambiray, Malay, Aklan; at Jessica Cadungong ng Barangay Kamputhaw, Cebu City.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Ano, kabilang sa mga paglabag ng walo ang gross neglect of duty, negligence, serious misconduct, at paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Nabigo umano ang mga nabanggit na gampanan ang kanilang tungkulin matapos madiskubreng nagkaroon ng mass gathering sa kani-kanilang barangay na naging COVID-19 superspreader events umano.

Ang pagsasampa ng kaso laban sa mga kapitan ay bunsod na rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na kasuhan ang mga opisyal ng barangay na nabigong ipatupad ang quarantine protocols. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.