Abante Tonite Interactive

8 Chinese national, Pinoy nalambat sa POGO kidnapping

0 271

Walong Chinese national at isang Pinoy ang naaresto ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) sa magkahiwalay na operasyon nitong Nobyembre 23 at 24 matapos kidnapin ang kanilang kababayan, ayon sa tagapagsalita ng ahensya kahapon.

Ayon kay PNP-AKG spokeperson Lt. Col Jowel Salib, naaresto sina Chen Kai En, Wang Jian Xiong, Mei Lin, at Pinoy na si Ariel Carmona, nitong Nobyembre 23 sa San Pedro City, Laguna habang nadakip naman ang iba pa nilang kasamahan na sina Jack Chan at Ruphuang Chen kinabukasan sa Cabuyan City, Laguna.

Ang pagkakaaresto sa mga suspek ay base sa report na kinidnap ng grupo ang dalawang Chinese sa nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na sina Li Fei Yu at Long Yong Lin bilang computer technician sa kompan­ya na pag-aari ni Chan.

Sa hiwalay namang ope­rasyon nitong Nobyembre 24, naaresto sina Gong Xiong, Wang Weibin at Wang Qing Bong matapos ikulong ang biktimang si Sha Shou, 31.

Naligtas ang biktima sa isang condominium unit sa Parañaque City matapos na magsumbong ang kaibigan ng biktima sa PNP-AKG.(Edwin Balasa)