Abante Tonite Interactive

8 DENR, BOC off’l kinasuhan sa basura ng Canada

403

Sinampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang walong personnel ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Bureau of Customs (BOC) na sangkot sa iligal na importasyon ng basura sa Canada.

“The application and approval of the importation papers were only processed after the con­tainer vans containing hazar­dous materials from Ca­nada had already arrived,” ayon kay NBI Environmental Crime Division head Eric Nuqui.

Sa imbestigasyon ng NBI, inisyuhan ng import clearance ang Chro­nic Plastics Inc., Canada noong Hulyo 1, 16 at 17, 2013 para sa hazardous waste isang buwan matapos na dumating sa bansa ang unang batch ng container sa Manila International Container Terminal (MICT).

Alinsunod sa batas, dapat nang i-apply ang import clearance 30 araw bago dumating ang shipment ng mga recyclable material.

Nabatid kay NBI Director Dante A. Gierran, matapos silang atasan ni Justice Secretary Medardo Guevarra, na magsagawa ng imbestigasyon at case build up, napatunayan na may ebidensiya laban sa mga personnel na sina DENR Undersecretary Atty. Juan Miguel T. Cuna, DENR-Environmental Management Bureau personnel Irvin G. Cadavona, Geri Geronimo R. Sanez at Renato T. Cruz, at sina BOC personnel Benjamin T. Perez Jr., Eufracio L. Ednaco, Matilda G. Bacongan, at Jose A. Saromo.

Nabatid sa EMB personnel in-charge, sa pagproseso ng aplikasyon ay hindi tumugon sa kanilang tungkulin ang mga nabanggit na i-exa­mine nang mabuti kung kumpleto ang dokumento.

Ang importation clea­rance ng Chronic Plastics, Inc. ay ini-release umano sa kabila ng kuwestiyunableng importation clearance.

Inirekomenda ng NBI sa Office of the Prosecutor General, Department of Justice, ang pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 6969 (Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Waste Control Act of 1990) at RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act). (Nancy Carvajal/Juliet de Loza-Cudia)