Abante Tonite
Mabilis sa Balita

8 doc, hospital staff sa Laguna na-virus

0 415

Isinailalim sa 14-araw na lockdown ang General Juan Cailles Memorial District hospital sa bayan ng Pakil, Laguna matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang doktor at staff ng hospital.

Ayon kay Pakil Mayor Vincent Soriano, nagkaroon ng direct contact ang mga workers at staff ng hospital sa isang nasawing COVID-19 patient.

Sa 10 staff na sumailalim sa swab test, walo sa mga ito ang nagpositibo kabilang ang dalawang doktor.

Ayon pa sa alkalde, posibleng tumaaas pa ang bilang dahil sa patuloy ang isinasagawang swabbing sa iba pang nagkaroon ng direct contact sa nasabing pasyente.

Inilagay din sa critical zones ang mga barangay ng Poblacion, July 28 hanggang August 11, at Kabulusan, July 23 hanggang August 6, na pinagburulan pa at pinaglibingan sa nasawing pasyente.

Ipapatupad sa dalawang barangay ang panuntunan sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) at ang lahat ng pamilya na nasa loob ng critical zones ay tatanggap ng family food packs mula sa munisipyo. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.