Abante Tonite
Mabilis sa Balita

8 flying voter hinawla

0 64

Arestado ng mga tauhan mg Manila Police District (MPD), ang walong flying voters na unang nakasuhan ng paglabag sa Section 261 ng Omnibus Election Code of the Philippines noong 2016.

Gayunman, sinabi ni PMaj Philipp Ines, hepe ng MPD Public Information Office na noon pang 2018 lumabas ang warrant of arrest laban kina Mikko Tero, Miraluna Abelay, Gerald Evangelista, Philip Regodo 2, Crystal Rapel, Stella Pinohon, Villa Regodo at Jomar Rasonabe. Pero nitong Abril 26 sila sabay-sabay na naaresto sa may San Marcelino St., Ermita, Maynila. Ang walo ay kabilang sa top 50 most wanted ng MPD.

Nalaman kay Ines na nakauwi na ang 8 matapos piyansahan ng tig-P36,000 ng isang di pinangalanan na Barangay Kagawad nitong Abril 27.

Ayon kay Ines nagtataka sila kung bakit sama-sama sa isang lugar ang walo nang sila ay maaresto sa kabila na hiwa-hiwalay ang kanilang warrant of arrest.

Noong 2016 pa nahuli ang 8 sa vote buying at posible umanong di sila dumadalo sa hearing kaya nag-isyu ng warrant of arrest ang korte. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.