Abante Tonite
Mabilis sa Balita

8 lugar sa NCR tumaas COVID case

0 102

Nakitaan ng pagtaas ng kaso ng coronavirus sa nakalipas na dalawang linggo ang walong lungsod sa Metro Manila.

Ayon kay Department of Health Epidemiology Bureau Director Alethea De Guzman, ito ay ang Manila, Makati, Las Piñas, Muntinlupa, Mandaluyong, Malabon, Navotas at San Juan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ang mga kaso ng nagkakasakit ay lumalagpas na sa daily moving average. Sila ‘yung naiiwan na mataas pa either the ICU [occupancy] rate or the HCUR,” ani De Guzman sa online briefing.

Sa walong lungsod, minarkahang mga ‘high-risk area’ ang Makati at San Juan dahil ang mga hospital bed nito at intensive care unit para sa mga COVID-19 patient ay halos puno na. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.