Abante Tonite Interactive

8 nabulaga habang bumabatak ng shabu

167

Walo katao kabilang ang dalawang babae ang inaresto ng Cavite Police habang aktong bumabatak ng shabu na naunang ini-report na naglalaro ng cara y cruz sa Bacoor City, Cavite.

Nakakulong nga­yon sa Bacoor City Custodial Center ang mga suspek na sina Estella de Lara, 50; Mary Jane Dolorito, 45; Pedro Tukmo, 23; Richard Paquillo, 45; Nelson Carandang, 40; Ruben Amar, 38; Arnold de Claro, 43 at Sadam Danzal, 23, pawang taga-Brgy Zapote 4, Bacoor City, Cavite.

Sa ulat ni PCpl. Edil­berto Reyes ng Bacoor City Police Station, alas-11:50 kamakalawa ng umaga nang nakatanggap ng tawag ang mga Barangay Official ng Brgy. Zapote 4 ng naturang Lungsod hinggil sa paglalaro ng cara y cruz sa bahay ni De Claro.

Pagresponde ng mga barangay tanod, imbes na nagsusugal ang kanilang nadatnan ay pawang mga humihithit ng shabu ang kanilang naaktuhan.

Nakuha sa kanilang pag-iingat ang mga drug paraphernalia at hinihi­nalang shabu na tumitimbang ng 435 gramo na may street value na P29,580. (Gene Adsuara)