Abante Tonite
Mabilis sa Balita

8 nadakip sa Bulacan buy-bust

0 66

Walong sinasabing drug suspect ang nadakip ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ikinasang magkakasunod na buy-bust operation sa iba’t ibang bayan sa Bulacan, kamakalawa ng gabi.

Base sa report kay P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Police director, nakilala ang mga naarestong sina Rodolfo Cruz alyas ‘Amang’ ng Barangay Gabihan, San Ildefonso; Nino Lazaro at Ver Gabriel kapwa ng Barangay San Agustin, Hagonoy; Jeremias Benjamin Sr.; Richmond Salvador at Erika Medalle, pawang nakatira sa Barangay Matictic, Norzagaray; Devina Vecina at isang menor de edad na kapwa residente ng Barangay Lambakin, Marilao.

Ang mga drug suspect ay sunod-sunod na bumagsak sa kamay ng SDEU operatives sa Barangay Poblacion, San Ildefonso; Barangay Iba O Este, Calumpit; Barangay Lambakin, Marilao; at Barangay Matictic, Norzagaray matapos ipasailalim sa isang linggong surveillance operation.

Nakarekober ng awtoridad mula umano sa mga suspek ang kabuuang 18 pakete ng shabu at buy-bust money.

Pawang ipinasailalim sa drug test ang walo na nahaharap ngayon sa kasong kriminal sa piskalya ng Malolos. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.