Abante Tonite
Mabilis sa Balita

8 nadale sa QC jail riot

0 61

Isang Person Deprived of Liberty (PDL) o preso ang natodas habang pito naman ang sugatan nang sumiklab ang riot sa Quezon City Jail Male Dormitory nitong Biyernes ng hapon.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PEMS Jimmy Sanyuran ng Quezon Ciry Kamuning Police Station 10, pasado alas-3:00 ng hapon nang magsimula ang gulo sa nabanggit na piitan sa Bernardo Compound Brgy. Kamuning sa lungsod.

Nagsimula ang riot sa pagitan ng grupong Batang City Jail at Commando sa hindi pa malamang dahilan. Lumilitaw na ang presong namatay ay nagtamo umano ng tama ng bala sa katawan mula sa sumpak.
Patuloy namang inaalam ng kapulisan ang pagkakakilanlan ng namatay at ng mga sugatan sa naturang kaguluhan.

SM food to go Banner Ad

Nabatid na wala ang QC Jail warden na si JSupt. Michelle Ng Bonto nang mangyari ang riot.

Sinikap itong tawagan ng Abante upang makapanayam at hingan ng panig hinggil sa insidente subalit hindi ito makontak. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.