Abante Tonite Interactive

8 naka-duty na pulis naaktuhang natutulog

0 169

Nahuli sa akto ng ‘Red Team’ surveillance group na ipinakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang walong pulis na umano’y natutulog habang naka-duty nitong Miyerkoles nang madaling-araw.

Ayon kay NCRPO Director Police Brig. Gen. Debold Sinas, apat na pulis na nakatalaga sa Makati City ang nabistong tulog, dalawa sa Caloocan at dalawa rin sa Valenzue­la Police City.

Sa pagkakahuli ng walong pulis ay hindi naman pinagalitan o sinibak ang mga ito sa puwesto kundi sinabihan lamang ni NCRPO Chief Sinas na ipagpatuloy na lamang ang kanilang trabaho.

Pansamantalang hindi naman binanggit ang pangalan ng walong nasabing pulis.
Kasabay nito ay inatasan ni Sinas ang mga superior officer ng walo na imbestigahan ang mga ito at pagpaliwanagin.

Sa report ng NCRPO, naaktuhang natutulog ang walong pulis noong Oktubre 28 hanggang Nobyembre 2.

Ipinadala naman ng miyembro ng red team ang larawan ng walongpulis kay Sinas.

Ang Red Team ay binuo ng mga dating tauhan ni Sinas sa Central Visayas. (Armida Rico)