Abante Tonite
Mabilis sa Balita

8 naturukan ng Sputnik V nagka-side effect

0 258

Walong nabakunahan ng Russia-made Sputnik V coronavirus vaccine ang nakaranas ng minor adverse event.

“Among those given with Sputnik V vaccine for these past days, meron po tayong walong reported na adverse events and lahat po ito ay non-serious or minor,” lahad ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa public press briefing nitong Sabado.

Sabi ni Vergeire, kabilang sa mga side effect ang sakit ng katawan, sakit sa bahaging tinurukan, pamamantal, sakit ng likod at ulo, pagkahilo at pagtaas ng presyon ng dugo.

SM food to go Banner Ad

“But all of these were managed at lahat po sila ay nakauwi din pagkatapos,” wika ni Vergeire.

Mayo 1 dumating sa Pilipinas ang nasa 15,000 dose ng Sputnik V vaccine. (Issa Santiago/Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.