Abante Tonite Interactive

8 negosyo na walang permit kinandado sa Maynila

0 231

Pinasara ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang nasa walong maliliit na negosyo na nakaharang umano sa pampublikong kalsada at nag-o-operate nang walang business permit sa kahabaan ng Road 10, Tondo.

Hinain ni Levi Facundo, Bureau of Permits chief, ang closure order sa mga may-ari ng negosyo tulad ng vulcanizing shops, electrical shops, junk shops at hindi awtorisadong parking lot sa nasabing lugar.

Ani Facundo, noong Agosto pa umano nila ibi­nigay sa mga may-ari ng establisimyento ang babala para mabigyan ang mga ito ng sapat na panahon upang makakuha ng kaukulang permit.

Giniit pa ng opisyal na ang lokal na pamahalaan ay hindi anti-poor o anti-business, aniya lahat umano ng negosyo ay dapat na mayroong permit.