Abante Tonite Interactive

8 NPA sumuko sa Surigao

18,576

Walong armadong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nagbalik-loob at sumuko sa Philippine National Police (PNP), Miyerkoles sa Surigao del Sur.

Ayon kay Col. James Goforth, PNP-Surigao del Sur provincial director, sumuko ang mga rebelde dahil sa nadaranasang hirap ng buhay sa bundok at nais nilang lumahok sa ibinibigay ng pamahalaan na Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP).

Ang sumukong walong NPA na nag-o-operate sa ilang bahagi ng Davao Region ay sina alyas ‘Urban’, 67; alyas ‘Diokno’, 48-anyos; alyas ‘Ryan’, 60-anyos.

Kabilang pa si alyas ‘Bryan’, 48-anyos; alyas ‘Gamay’, 30-anyos; alyas ‘Rustom’, 22-anyos;­ alyas ‘Ashley’, 22-anyos at alyas ‘Jonifer’, 25-anyos.­

Kasabay na isinuko ng mga rebelde ang kanilang mga armas kabilang na ang caliber .45 pistol at dalawang caliber .38 revolver. (Vick Aquino)