Abante Tonite
Mabilis sa Balita

8 NPA timbuwang sa 3 oras na ratratan

0 475

PATAY ang walong miyembro ng New People’s Army sa nangyaring engkuwentro kontra sa tropa ng pamahalaan sa Negros Oriental nitong Martes.

Nangyari ang engkuwentro sa pagitan ng 40 NPA at pinagsanib na pwersa ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa Sitio Agit, Brgy Trinidad, Guihulngan City.

Tumagal ng tatlong oras ang bakbakan. Nakakuha rin ng matataas na uri ng armas ang mga tropa ng pamahalaan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ni Colonel Michael Samson, acting 303rd Infantry Brigade Commander na malaking dagok ito sa mga rebelde. “I urge our soldiers to relentlessly pursue the NPAs who had been threatening our people in the countryside.”

Kasabay nito ay pinasalamatan ang komunidad na nakipagtulungan sa mga militar para mapigilan ang mga rebelde at maalis sa kanilang lipunan. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.