Abante Tonite Interactive

8 patay, 4 kritikal uv Express yupi sa bus

0 114

Patay ang walong pasahero ng isang van habang apat na iba pa ang kritikal matapos makasalpukan ang isang bus Miyerkoles ng gabi sa bayan ng Pamplona, Camarines Sur.

Pawang dead on-the-spot dahil sa lakas ng salpukan ang walong sakay ng van na sina Armani Calpi, 63, drayber ng van; Joepet Bernal, Irene Abas, 26; May Acdan, 42; Mark Dave Doctor, 11; Josephine Golgota, 38, habang inaalam pa ang pangalan ng dalawa pang nasawing babae gayundin ang apat na sugatan.

Samantala una ng tumakas ang drayber ng JVH Passenger bus na si Leonardo Camu subalit kalaunan ay sumuko rin sa Libmanan Municipal Police Station.

Sa ulat ni Police Maj. Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 5, naganap ang insidente alas-otso ng gabi sa Zone 4, Brgy. San Vicente, CamSur.

Lulan ang mga biktima sa pampasaherong van na may plate number EVU-222 at patungo sana ng Naga City nang makasalpukan nito ang JVH Bus na minamaneho ni Camu na patungo sana ng Maynila.

Sa lakas ng salpukan, parang niyuping lata ang van at natanggal pa ang buong bubong nito. (Edwin Balasa)