Abante Tonite
Mabilis sa Balita

8 PhilHealth exec ayaw lumayas, nilipat ng puwesto

0 124

Ni Nancy Carvajal

Walong opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ayaw umanong bitawan ang kanilang puwesto ay inisyuhan ng bagong assignment na epektibo kaagad.

Base sa isang memorandum na may petsang Oktubre 5, 2020 at nilagdaan ni PhilHealth president Dante Gierran, hiniling sa 26 regional vice president ng ahensya kabilang na ang tinawag na Mindanao group, na bakantehin ang kanilang mga puwesto at ni-reassign sa ibang sangay.

“The reassignment and designation of the officers are done consistent with the issued corporate policies. They shall be entitled to receive all benefits and allowances attached to the performance of their designation, whenever applicable subject to the usual accounting and auditing rules and regulations,” saad sa dokumento.

SM food to go Banner Ad

Inihayag din ni Gierran na sinabihan ang mga concerned PhilHealth officer tungkol sa kanilang reassignment at para sa maayos na turnover ng mga gawain.

Si Paolo Johan Perez, RVP ng PhilHealth Regional Office 4B (Central Luzon) ay nilipat sa Regional Office Region IX sa Zamboanga City; si Khaliquzzaman Macabato, RVP ng PhilHealth Regional Office ARMM nilipat sa Region VIII (Leyte); si Valerie Anne Hollero, assistant corporate secretary ay regional office head na sa Caraga Administrative Region; Dennis Adre, RVP ngPhilHealth Regional Office XII ay nilipat sa Regional Office sa Ilocos Region; Masiding Alonto Jr., RVP of PhilHealth Regional Office Region X nilipat sa Central Luzon.

Sina Jelbert Galicto, RVP ng PhilHealth Regional Office CARAGA, William Chavez, RVP ng PhilHealth Regional Office Region VII at Miriam Grace Pamonag, na dinawit umano ni Senador Richard Gordon sa Philhealth mafia ay hindi na binigyan ng mga bagong assignments.

Matatandaang nirekomenda ni Gordon ang prosekusyon ng walong PhilHealth official sa Office of the Ombudsman subalit sa pagdinig ng Senado hinggil sa mga anomalya sa ahensya noong nakaraang buwan ay ipinagtanggol sila ni PhilHealth Board member Alejandro Cabading sa pagsasabing “good guys” ang mga ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.