Abante Tonite
Mabilis sa Balita

8 PhilHealth official sinuspinde sa P2B IRM scam

0 192

Para bigyang daan ang patas na imbestigasyon, pinatawan ng 6 buwang preventive suspension ng Office of the Ombudsman ang 8 PhilHealth executives na nahaharap sa reklamong graft kaugnay ng anomalya sa P2 billion Interim Reimbursement Mechanism (IRM) funds.

Kasama sa sinuspinde nang walang sahod sina Philhealth Executive Vice President Arnel de Jesus, Senior Vice President Renato Limsiaco, SVP Israel Francis Pargas, Area VP Gregorio Rulloda, NCR Benefits Head Dr Imelda Trinidad de Vera, NCR manager Lolita Tuliao, Fiscal Examiner Gemma Sibucao at Fiscal Controller Lailani Padua.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang mga opisyal ay una nang kinasuhan sa Ombudsman ng Department of Justice – National Bureau of Investigation (DOJ-NBI) task force na siyang nag-imbestiga sa iregularidad sa PhilHealth.

Si dating PhilHealth CEO Ricardo Morales ay kasama din dapat sa listahan subalit dahil nagbitiw na ito ay hindi na maaaring ipataw ang preventive suspension.

Matatandaan na sa naging reklamo mg DoJ-NBi sinabi nito na nagsabwatan ang mga opisyal ng Philhealth at sa IRM scheme na ginawa nito ay napaboran ang mga ospital at clinics na nabigyan ng advance payments sa kanilang serbisyo kahit wala nang kaukulang documentation. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.