Abante Tonite
Mabilis sa Balita

8 pinosasan sa rally pinalaya

0 240

Pinakawalan na ang walo sa 11 naaresto matapos magprotesta laban sa Anti- Terror Law sa Cabuyao, Laguna.

Nauna ng sinampahan ng kasong illegal assembly, disobedience at paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act ang ikinaso laban sa walo. Itinakda naman ang preliminary investigation sa kaso nila sa July 16.

Ayon sa mga awtoridad, walang permit ang binansagang ‘Cabuyao 11’ nang magprotesta at walang kinalaman ang pag-aresto sa kanilang layang ipamahayag ang kanilang sentimiyento laban sa bagong batas.

Labag din umano sa COVID-19 policies ang isinagawang protesta sa gitna ng pandemiya. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.