Abante Tonite Interactive

8 POGO worker, 1 Pinay timbog sa shabu

0 300

Arestado ang walong empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) at isang Pinay dahil sa iligal na droga sa loob ng isang Hotel sa Ermita, Maynila kamakalawa.

Nasamsam ng pulisya ang may 16 na gramo ng shabu na may street value na P108,800 sa mga suspek, isang kalibre .38 at limang bala.

Kabilang sa mga naaresto sina Huang Kang Chen, 26; Poi Di Zhu, 28; Li Jun ,26; Liuhan Yang, 24; Hai Yang, 24 ; Hou Yaquiang, 31 ; Tang Shaohua, 29 ; at Li u Ji Jang, 29, pawang mga chinese national, POGO employee at nanunuluyan sa Brick Stone Hotel, 1417 M. H. Del Pilar St. Ermita, Maynila; huli rin si Ranica Fermiza, 24.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang pulisya sa pagkakasangkot ng ilang POGO employee kaugnay sa bentahan ng iligal na shabu sa hotel.

Hinala ng mga awtoridad, katatapos lamang mag-pot session ang mga suspek nang maaresto ng mga pulis. Nasamsam ang iligal na droga sa kuwarto ng mga suspek at mga drug paraphernalia.

Sinampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drug Act of 2002 sa Manila Prosecutors Office. (Juliet de Loza-Cudia)

Tonite – Wendys Inhouse Ad