Abante Tonite Interactive

8 power plant tigil operasyon sa Semana Santa

0 154

Mahigit sa 1,600 megawatts ang mawawala sa Luzon grid ngayong Lunes hanggang Miyerkoles dahil sa mga hindi aandar na mga power plant.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NCGP), walong planta ang hindi aandar at lima sa mga ito ay hindi planado.

Base sa datos ng NGCP, dalawang coal plant ang wala sa planong hindi aandar nga­yong araw kaya 360MW ang mawawala nang hindi napaghandaan.

Abante Hiring – IT dep

Kabilang pa sa mga planta na tigil ang operas­yon ay isang oil thermal plant na 320MW, isang combined cycle/gas turbine na 25MW at isang hydro plant na may 95MW. Hindi umano napaghandaan ang tigil operasyon ng mga ito.

Dalawang coal plant na may kabuuang kapa­sidad na 682MW at isang hydro plant na may kapasidad na 145MW ang nakapag-abiso naman na mawawala sa linya ngayong araw. ­(Eileen Mencias)