Abante Tonite
Mabilis sa Balita

8 preso pumuga: jailguard pinatay

0 68

Patuloy ang hot pursuit operation ng awtoridad upang maibalik sa kulungan ang pito sa walong high profile inmate na tumakas sa Basilan Provincial Jail sa Isabela City, Basilan at pumatay sa isang jail guard Martes ng gabi.

Kinilala ang mga tumakas na sina Battuh Kusain, may kasong multiple murder at multiple frustrated murder; Gappal Saripada, multiple murder at frustrated murder; Hernie Asao, illegal possession of explosive at illegal possession of firearms; Nurhasan Lahaman, two counts of murder; Albaser Ahmad, murder at frustrated murder; Mahad Hassan, murder; Kaliji Hajirul, murder at Torotoy Abbas, na napatay sa operasyon.

Kinilala naman ang pinatay na jail guard na si JO3 Asbi Florencio Salih, 48, at kunin ang service firearm nito.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat ni Police Capt. Edwin Duco, tagapagsalita PRO 9, naganap ang pagtakas alas-6:00 ng gabi at patayin ng mga ito ang jail guard na si Salih.

Agad na nagtungo sa Salain Drive sa Barangay Sumagdang ang mga pugante at kinumander ang dalawang motorsiklo at isang traysikel at agad na tumakas.

May nakapagbigay impormasyon na nagtungo sa Purok Gumamela, Barangay Sumagdang ang isa sa mga presong si Abbas. Sa halip na sumuko ay nakipagbarilan umano sa pulisya dahilan ng pagkamatay nito. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.