Abante Tonite
Mabilis sa Balita

8 PSG na COVID carrier walang close contact kay Duterte

0 309

Tiniyak ng pamunuan ng Presidential Security Group (PSG) na walang close contact kay Pangulong Rodrigo Duterte ang walong personnel nila na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ito ni PSG commander Col. Jesus Durante III para pawiin ang pangamba sa kalusugan at kaligtasan ni Pangulong Duterte.

Ayon sa PSG chief, mahigpit ang ipinapatupad na health protocol sa lahat ng PSG personnel pati na sa kanilang mga dependent para matiyak ang kaligtasan ni Pangulong Duterte sa COVID-19.

“PSG assures the public of the President’s safety despite this unfortunate situation as we continually implement the strict health protocols to our personnel and their dependents to guarantee that the President is safe and healthy,” ani Durante.

Kabilang aniya sa mga nagpositibo sa COVID test ay dalawang opisyal at anim na enlisted personnel na nakatalaga sa tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Nilinaw ni Durante na regular na isinasalang sa COVID test ang mga PSG personnel na nakatalaga sa Pangulo at lahat ng close-in security nito ay nakahiwalay ng lugar para malimitahan ang pakikihalubilo sa mga kasamahan.

Sinabi ni Durante na isinaalang-alang nila ang kaligtasan ni Pangulong Duterte kaya mahigpit ang security protocol sa mga close-in-personnel nito para masigurong hindi sila ang maging banta sa kalusugan ng Presidente.

“The President’s close-in security personnel further endure being at a separated billeting area to limit their contact even from their comrades and loved ones just to lessen that they do not become the threats, themselves,” dagdag ni Durante.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.