Abante Tonite
Mabilis sa Balita

8 sa NFL nagka-COVID 19

0 25

Anim na coaches, isang player at isang nutritionist ng New Orleans Saints sa National Football League ang nag-positive sa COVID-19, ayon sa ulat Huwebes ng The Associated Press.

Hindi pinangalanan kung sinu-sino ang mga positive, pero vaccinated na umano lahat ang coaching staff ng Saints.

Naka-isolate ang mga positive, hindi pa sigurado kung kailan babalik sa field.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Lumabas ang resulta ng tests pagkatapos ng 38-3 win ng New Orleans kontra Green Bay Packers noong Linggo sa Jacksonville, Florida.

Buong team ng Saints ay nasa ilalim ngayon ng enhanced protocols ng NFL. Lahat ng miyembro, obligadong mag-mask sa loob ng facilities, may daily testing at walang in-person meetings o grab-and-go meals. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.