Abante Tonite Interactive

8 senatoriable nahatak ng popularidad ni Duterte — Palasyo

522

Malakas ang “endorsement appeal” ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya ma­yorya sa mga manok ng administrasyon ang nakapasok sa Magic 12 ng Pulse Asia survey.

Ito ang may pagmamalaking inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo kasunod ng survey ng Pulse Asia na walong kandidato mula sa administrasyon ang malaki ang laban na makapasok sa magic 12 sa darating na midterm elections.

Sinabi ni Panelo na patunay lamang ito na naniniwala ang mga tao kay Pangulong Duterte kaya pinili ang walong pambato ng administrasyon para makatulong ng Presidente sa pagpapaunlad sa bansa.

Mismong si Pangulong Duterte aniya ang nanawagan sa publiko na piliin ang mga kandidatong inaaakalang tutulong sa kanya para maisulong ang mga pagbabago sa bansa.

“Ibig sabihin iyong mga tao naniniwala kay Presidente. Naniniwala siya na ang mga tao, na iyong mga i-endorse niya kailangan ni Presidente iyon para tumulong sa kanya sa pagbabangon sa ating bansa sa ilalim ng kahirapan, ng kaguluhan at kung ano-ano pa. It means, malakas ang kanyang endorsement appeal,” ani Panelo. (Aileen Taliping)