Abante Tonite Interactive

8 signs na dapat dalhin agad sa vet si doggy

159

Dear FURRever FURReinds:

Alam kong mahal na mahal natin ang ating mga furbabies pero minsan, napapabayaan natin ang kanilang kalusugan. Imbis na dalhin sila agad sa vet kapag sila ay may karamdaman, mag-po-post tayo sa Facebook: “Help! May sakit ang aso ko. Ano ang magandang home remedy?”

Never po mapapalitan ng Facebook o ng home remedy ang advice ng res­pected veterinarian.

Minsan naman, dine-delay natin ang pagpunta sa vet dahil nagbabakasakali tayo na kinabukasan magiging okay na si doggy. Confession po: ‘Yan ang dahilan kung bakit namatay nang maaga ang Fox Terrier ko na si Andy noon.

Nagsisi po ako nang lubos.

Kadalasan ang #1 kil­ler ng aso ay hindi sakit kundi ang ating lack of action.

Kaya gusto kong i-share ang ilang mga common signs na kailangan nang ipa-vet si doggy:

1) Matamlay o mahina ang appetite. Kapag ang tuta ay biglang ayaw dumede o ang adult dog ay hindi kumain sa loob ng 24 hours, ito ay isang malaking red flag!

2) Diarrhea. Ang pagtatae ay dapat seryosohin lalo na kapag ito ay may kasamang dugo. May mga sa­kit, tulad ng giardia, na madaling pagalingin kung maagang nabigyan ng gamot ang aso.

3) Matinding pagka-uhaw. Ito’y posibleng senyales na may kidney problem o diabetes ang furbaby mo.

4) Frequent or painful urination. Posibleng sintomas ito ng UTI o iba pang bladder problem. Lalo na kapag may kasamang dugo ang ihi nila.

5) Pagsusuka. Ang paminsan-minsang pagsusuka ay normal. Pero kung ito’y paulit-ulit sa loob ng isang araw o ilang oras, o may kasamang dugo, may posibilidad na may malubhang sakit si doggy tulad ng parvo, colitis o intestinal obstruction.

6) Cloudy/red eyes o pagmumuta. May mga sa­kit sa mata na kapag hindi naagapan ay maaaring ma­ging sanhi ng kabulagan ng iyong aso.

7) Biglaang pagpayat nang walang dahilan. Ito ay posibleng warning sign na may cancer ang aso mo. ‘Wag nang mag-atubili at dalhin agad sa vet si doggy!

8) Mga iba pang emergency signs: Seizures; pagdudugo sa bibig, tenga o pwet; sipon at ubo; kagat ng ibang hayop; pagkawala ng malay; paglalaway; pag-ingest ng kemikal, gamot ng tao o matalas na bagay; pagiging matigas ang ti­yan; continuous whining etc.

Ang aking advice ay maging mapagmasid sa inyong mga alaga dahil hindi sila nakakapagsalita. Kung kilala mong mabuti ang doggy mo, mapapansin mo agad kung may pagbabago ang kaniyang pagkilos at doon mo malalaman kung siya ay may karamdaman.

Beast Wishes,
Joyce

(Photos taken at Vets In Practice)