Abante Tonite Interactive

8 sundalo tinamaan sa NPA encounter

0 263

Walong sundalo ang nasugatan sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) at Philippine Army kamakalawa sa bayan ng Don Victoriano, Misamis Occidental.

Ayon kay Lt. Col. John Andrada, commander ng 10th infantry battalion ng Philippine Army, pinagbabaril ng NPA ang military detachment sa Barangay Nueva Vista, Don Victo­riano, Misamis Occidental.

Agad na tumakas ang mga rebelde at nang hahabulin na ng mga sundalo ay isang ma­lakas na IED ang su­mabog kaya natuon ang pansin ng mga huli sa mga residente na naapektuhan ng pagsabog.

Inilikas ang 72 re­sidente na naapektuhan at pansamantalang namalagi sa municipal gym ng Don Victoriano habang nasa 80 naman ang dinala sa Barangay Napangan. (Vick Aquino)