Abante Tonite Interactive

8 suwerteng pagkain

323

Bahagi ng tradisyunal na ­pagdiriwang ng Chinese New Year ang paghahanda ng mga pagkain na nakakaakit ng suwerte. Heto ang inihahain nilang mga pagkain para makaakit ng suwerte sa kanilang mga pamilya.

Tang Yuan

Ang Tang Yuan (Glutinous rice balls) ay isang Chinese dessert na gawa sa galapong o malagkit at may palamang matamis na black sesame o red bean paste at idinudulog ng may syrup.

Faat choi jai

Vegetable dish na sinasahugan ng dried oysters,bamboo shoota, dried bean curds skin, mushrooms, ginkgo nuts, lettuce,golden noodles at faat choy.

Dumplings o siomai

Ang matamis na dumpling na may hugis-bola naman ay simbolo ng reunion.

Noodles o pansit

Simbolo ito ng mahabamg ­buhay, mas mahabang hibla ng pansit, mas masuwerte at mas ­mahabamg ­buhay.

Clams at scallops

Umaakit ng kayamanan ang mga clams at scallops na kawangis sa sinaunang Chinese coins.

Manok

Maganda ring ihain ang ­manok dahil sagisag ito ng maraming ­oportunidad

Prutas

Simbolo anila ito ng tuloy-tuloy an swerte.

Nian Gao

Pag-asang lalo pang mapapabuti ang pamumuhay

Totoo man na nag-aakyat ng ­su­werte ang mga pagkaing ito, ­mahalaga pa rin ang ­pagsisikap ng tao na sinangkapan ng ­pinaka-importanteng rekado sa ating buhay, ang pahdarasal sa ating ­Panginoong Diyos para sa kanyang patnubay at biyaya. (Mia Billones)