Abante Tonite Interactive

8 trak ng ebak KINALAT sa estero

3,577

Napuno ng dumi ang kahabaan ng Ilog Tripa de Galina matapos na may magtapon ng pito hanggang 8 truck na tae o human waste sa kahabaan ng Maricaban patungo sa Tramo, Pasay City.

Halos magkandasuka ang ilang residente nang bumungad sa kanila ang isang rekwang tae na may kalahating kilometro ang lawak.

Dahil naman sa bunton ng ebak ay tinawag na ng mga residente na ‘Tae De Galina’ ang ilog.

Nabatid na ang nasabing dumi ay dadaloy sa ilog ng Tripa de Galina kung saan mag-uumpisa itong dadaloy sa kahabaan ng Maricaban palabas sa Tramo na ‘pag kumaliwa ang agos ay puwedeng dumiretso sa Manila Bay at ‘pag kumanan naman ang agos ay kakalat sa may Tramo.

Nanawagan ang mga residente sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagpapatupad ng Manila Bay Rehabilitation project na imbestigahan kung sinong kompanya na naninipsip ng mga human waste sa poso negro ang nasa likod ng pagtatapon ng may 8 truck na human waste.

Bukod sa nakasusulasok na ebak, inirereklamo rin ng mga residente ang mabahong katas na lumalabas sa IPM, isang recovery waste facility na nasa Maricaban.

“Napakababoy!!” Saad ng isang Jen Jeren Jenjen.

Habang tila naghihinanakit naman ang isang Rowel D. “Kawawa naman mga inosenteng laking pasay… Nada­damay dahil sa mga kapabayaan ng mga nakaupo.” (Juliet de Loza-Cudia)