Abante Tonite
Mabilis sa Balita

8 tulak na bebot, 12 pa kinalawit

0 101

UMABOT sa dalawampu kabilang ang walong kababaihan na hinihinalang mga tulak ang dumagdag sa bilang ng mga nakakulong sa custodial facility nang maaresto ng Cavite Police sa buy bust operation sa ilang lugar sa Cavite, Sabado ng madaling araw.

Isinagawa ang magkakahiwalay na buy bust operation sa pagitan ng alas-1:35 kamakalawa ng hapon hanggang alas-2:00 Sabado ng madaling araw sa tatlong Lungsod at apat na bayan sa lalawigan ng Cavite.

Nanguna ang Lungsod ng Dasmariñas sa pinakamaraming nahuling drug pusher [anim] habang tig-apat sa Cavite City at Silang; tig-dalawa sa Naic at Bacoor City at tig-isa sa Alfonso at General Mariano Alvarez o kabuuang 20 katao. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.