Abante Tonite
Mabilis sa Balita

80 health worker ng PGH na-expose sa virus

0 87

Isinailalim sa quarantine ang may 80 health workers ng UP-Philippine General Hospital matapos na ma-expose sa mga kasamahan sa ospital na nagpositibo sa COVID-19.

Kasabay nito, muling hinikayat ni Dr. Jonas del Rosario, tagapagsalita ng PGH, ang mga health workers na magpabakuna para magkaroon sila ng proteksiyon laban sa virus

Kinakailangan ng doble ingat ng mga health workers sa ngayon dahil nagkakaroon na naman ng pagtaas ng kaso ng COVID19.

“Akala siguro ng mga tao komo may bakuna na e, pawala na rin ang COVID 19, hindi po dapat ay patuloy pa rin na sumunod sa health protocols,”ayon kay del Rosario.

Samantala, sinabi ni del Rosario na marami ng health workers ng PGH ang nagpabakuna na ng Sinovac at inaasahan na aabot sa may 2,000 ang magpapabakuna. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.