Abante Tonite
Mabilis sa Balita

80 pamilya naabo mga haybol sa Malabon

0 38

Nasunugan ang 80 pamilya sa Malabon City, Huwebes nang madaling-araw.

Nag-umpisa ang sunog dakong alas-dos nang madaling-araw sa pangalawang palapag ng isang tahanan sa Barangay Catmon at mabilis na kumalat sa mga katabing bahay, ayon kay Senior Fire Officer 4 Rizaldy Evangelista.

Dalawampu’t limang bahay ang natupok ng apoy at 80 pamilya ang apektado.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Walang naitalang nasugatan o nasawi sa sunog.

Kasalukuyang pa ring iniimbestigahan ang insidente. (Ansherina Jazul)

Leave A Reply

Your email address will not be published.