Abante Tonite Interactive

800 atleta ng bansa walang COVID-19

881

Isang linggo ang nakalipas matapos ipatupad ang Enhance Community Quarantine, pero nanatiling negatibo o walang naiuulat na nagkaroon ng coronavirus disease ang may 800 national athletes na nasa panganglaga ng Philippine Sorts Commission (PSC).

Ito ang nabatid kahapon kay PSC Chief of Staff Marc Edward Velasco habang patuloy na minomonitor ang mahigit 30 mga atleta at coach na naiwanan sa pasilidad ng ahensiya sa PhilSports Arena sa Pasig City.

“So far wala naman sa mga athlete na billeted sa PhilSports at the moment. For NSA (national sports association) wala kami word or news about it,” hirit ni Velasco, na siya ring national training director ng Philippine Sports Institute (PSI).

Masusing binabantayan ng ahensiya ang may 50 NSA pati na rin ang mga national athlete kahit patuloy ang mga paghahanda at pansamantalang hindi pinayagan na magbiyahe o sumali sa mga internasyonal na torneo dahil sa banta ng COVID-19.

Kinansela ng PSC ang lahat ng mga aktibidad at programa nito sa buong taon dahil sa panganib na dala nang nakamamatay na sakit habang pansamantalang pinauwi ang lahat ng mga atleta sa kanilang pamilya upang masiguro ang kalusugan at agad na malinis ang mga pasilidad.

Tanging ang mga kagagaling lang sa Olympic Boxing Qualifying Tournament sa Amman, Jordan na anim na kabilang sa Association of Boxing Alliances in the Philippines (Abap), ang agad sumailalim sa quarantine matapos bumalik sa bansa.

Ang mga boxers na lumahok sa qualification sa Tokyo Olympics 2020 at nagqualify na ron ay sina middleweight Eumir Felix Marcial at flyweight Irish Magno. Kasama rin sina world featherweight champion Nesthy Petecio, welterweight James Palicte, featherweight Ian Clark Bautista, at lightweight Riza Pasuit.

“Our 16 boxers remain at the PSC’s Teachers’ Camp facility (Baguio) while five are at the PhilSports. The rest—also about 16 boxers—have gone home to their respective provinces,” sabi namnan ni Abap secretary general Edgar Genaro ‘Ed’ Picson.

“So far, no one has ever complained of experiencing symptoms of the virus.” (Lito Oredo)