Abante Tonite Interactive

800 bahay nasunog sa Bataan

260

Tinatayang aabot sa 800 kabahayan ang tinupok ng apoy sa isang fishing village sa Orion, Bataan kahapon ng tanghali.

Sa inisyal na ulat ng mga awtoridad, nagsi­mula ang sunog pasado ala-una ng tanghali sa Brgy. Capunitan ng nasabing bayan. Mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang yari sa kawayan at mga light material ang kabahayan.

Nabatid ng Tonite na nagmula umano ang sunog sa posporo na pinaglaruan ng mga bata, kasunod nito ay sumiklab na ang napa­kalaking apoy.

Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa naganap na sunog.

Pansamantalang nananatili ang mga pa­milyang nasunugan sa ilang paaralan ng nasabing bayan.