Abante Tonite Interactive

8,000 deboto sumalubong sa Our Lady of Mount Carmel

By
916

Nasa 8,000 deboto ang nakiisa sa prusisyon at sumalubong sa ika-400 taon na anibersaryo ng pagdating sa bansa ng Our Lady of Mount Carmel de San Sebastian kahapon ng madaling-araw sa Quirino Grandstand sa Rizal Park sa Ermita, Maynila.

Dumaan muna ang prusisyon sa Manor Basilica kung saan ginawa ang padungaw bago dumeretso sa San Sebastian Church.
Nabatid na highlight ng selebrasyon ang Traslacion at re-enactment ng pagdating ng imahen sa bansa na dinaluhan ng libo-libong deboto.

Nalaman na bukod sa Traslacion, nagkakaroon rin ng ‘Salubong’ sa Quirino Grandstand, na magsisimula ng alas-tres ng madaling-araw.

Alas-kuwatro ng madaling-araw nang magtipon sa harapan ng Philippine Coast Guard (PCG) headquarters ang mga lalahok sa prusisyon, na sinimulan dakong alas-singko ng madaling-araw sa Manila Bay area.

Nalaman na ang pagtanggap sa imahen ay ginawa ganap na alas-sais ng umaga sa daungan ng Manila Bay, na sinundan ng prusisyon patungong Quirino Grandstand, kung saan isang banal na misa ang idinaos dakong 6:30 ng umaga.
Alas-otso naman ng umaga nang sinimulan ang prusisyon.