Abante Tonite
Mabilis sa Balita

$800M pinambayad utang ng BSP

0 51

Nasa $800 milyon ang nabawas sa kaban ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Setyembre dahil sa binayarang utang at interes ng pamahalaan.

Ayon sa BSP kahapon, bumaba sa $107.16 bilyon ang gross international reserves (GIR) nitong Setyembre kumpara sa $107.96 bilyon noong Agosto. Ang GIR ay ang kaban ng dolyar, ginto, lapad at iba pang foreign currency na hawak ng BSP na binabantayan ng mga foreign investor at creditor dahil sukatan ito ng kakayanan ng isang bansa na magbayad ng utang nito at ng mga ini-import sa ibang mga bansa.

SM food to go Banner Ad

Sabi ng BSP, ang GIR noong Setyembre ay sapat para bayaran ng pitong beses ang mga utang ng bansa na kailangang bayaran sa loob ng isang taon at sapat din itong bayaran ang 10 buwang halaga ng mga ini-import ng bansa.

Lumaki ang GIR noong Agosto dahil nakatanggap ang BSP ng halos $2 bilyon mula sa International Monetary Fund (IMF) sanhi ng programa nito para makatulong sa mga bansang nagkakaproblema sa pagbabayad ng kanilang mga obligasyon sa iba pang bansa. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.