Abante Tonite Interactive

Horoscope 03/09/2018

751

alodia-gosiengfiaoALODIA GOSIENGFIAO
Birthday: March 9, 1988

PISCES TRAITS
Kilala ang mga Pisces sa pagiging matulungin, artistic, malakas ang pakiramdam, wise at mahilig sa ­music. Ilan sa kanilang weakness ang pagiging matatakutin, mabilis magtiwala, takot sa reya­lidad at pagiging martir o matiisin.

Gusto nilang mapag-isa, matulog, music, romance, visual media, swimming, spiritual themes habang ayaw nila sa mayabang at malupit.

Friendly ang mga Pisces at magaling maki­sama. Selfless at laging handang tumulong sa ibang tao na hindi naghihintay ng kapalit.

Bilang water sign, sila ay maunawain at handang dumamay. Malakas ang self-control at may malawak na pananaw sa iba’t ibang emosyon. Hindi sila mapanghusga, bagkus, mabilis silang magpatawad.

ARIES (March 21-April 19) – Makakasakit ng damdamin dahil sa hindi magandang salita. Maging sensitive sa nararamdaman ng iba. Huwag ipilit ang sarili sa taong walang gusto sa iyo. Lucky color: Violet, lucky number: 30.

TAURUS (April 20-May 20) – Mahirap harapin ang sariling kasinungalingan. Manliliit sa mga ginawa. Ngayon mo maiisip ang mga taong tunay na nagmamahal at nagmamalasakit. Gumawa ng maganda sa sarili at sa kapwa sa araw na ito. Lucky color: Blue, lucky number: 4.

GEMINI (May 21-June 20) – Samantalahin ang mataas na energy. Gumalaw-galaw at gumawa ng mga artworks. Huwag ilimit ang sarili sa mga puwedeng gawin. Bigyan ng laya ang isip sa mga ideya na kapaki-pakinabang. Lucky color: Orange, lucky number: 19.

Related Posts

CANCER (June 21-July 22) – Gagana ang malakas na intuwisyon. Magkakaroon ng koneksyon sa isang tao na tutulong sa iyong mga plano. Nasa harap lang ang sagot, huwag nang tumingin pa sa malayo. Lucky color: Brown, lucky number: 40.

LEO (July 23-August 22) – Hinay-hinay sa gawain. Kumawala sa routine. Huwag matakot na sumabak sa bagong adventure. Planuhing mabuti ang bakasyon. Lucky color: Silver, lucky ­number: 33.

VIRGO (August 23-September 22) – Bawasan ang kadramahan sa buhay. Mag-focus sa mahalagang bagay. Isantabi ang selos at tsismis na walay saysay. Lucky color: Pink, lucky number: 8.

LIBRA (September 23-October 22) – Ibaba ang pride. Huwag yabangan ang mga kausap. Ma­ging honest sa nararamdaman at sa iniisip. Lucky color: Silver, lucky number: 17.

SCORPIO (October 23-November 21) – Magiging maayos ang takbo ng buong araw. ­Maling tao ang nilapitan. Malalagpasan ang problema sa lovelife nang walang kahirap-hirap. Ibalik ang nawalang kumpiyansa sa sarili. Lucky ­color: Black, lucky number: 19.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Mare-relax sa araw na ito. I-enjoy ang bawat sandali. Huwag maging OA sa pagharap sa problema. Nasa isip mo lang ang mga maling akala. Lucky color: White, lucky number: 5.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Tanggapin ang magandang energy na darating sa araw na ito. Lalabas ang sensual nature. Mas lalong mai-inlove sa sweetness ng ka-partner. Lucky ­color: Yellow, lucky number: 2.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Huwag basta sumuko sa laban. Humawak pa nang mahigpit. May mabubuong kasunduan kahit na hindi magsalita. Magugulat sa malakas na koneksyon sa isang tao na malapit sa puso. Lucky color: Green, lucky number: 22.

PISCES (February 19-March 20) – Ipanatag ang damdamin. Huwag maging salawahan. Mas piliin ang taong tunay na nagpapasaya sa iyo. Mas mahalaga ang ugali kaysa sa panlabas na kaanyuan. Lucky color: Red, lucky number: 30.