Abante Tonite
Mabilis sa Balita

80K Dabawenyo sumaklolo sa binagyo

0 68

Ipinamalas ng mga taga-Davao City ang bayanihan kung saan mahigit 80,400 residente ng lungsod na tumanggap ng grocery pack mula sa city go­vernment ang nagpasya na i-donate na lamang ito sa mga pamilyang apektado ng Bagyong ‘Odette’.

Tinatayang nasa dala­wang milyong pira­so ng grocery packs ang naihanda ng Davao City local government unit (LGU) para sa kanilang mga residente na nagparehistro sa Davao QR site. Maaari nilang tanggapin ito o i-donate.

Ang “donate option” ay isang panawagan base sa pagkilos ng ilang grupo na tumulong sa ‘Odette’ survivors bago pa man ito ipatupad ng LGU.

Ang mga grocery pack ay dinala sa iba’t ibang lokasyon sa Visayas at Mindanao na nasalanta ng nasabing bagyo na humagupit noong Disyembre.

Samantala, umabot naman sa 98,000 mamamayan ang tumanggap ng grocery pack mula sa mga distribution center.

Nabatid na hanggang Enero 15 posibleng kuhain ang food packs na inihanda ng Davao City LGU. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.