Abante Tonite
Mabilis sa Balita

80K seaman tengga sa pandemya

0 287

Umaabot ng hanggang 80,000 Pinoy seaman ang problemado sa kanilang trabaho dahil sa mga ipinatupad na paghihigpit sa pagbiyahe para maawat ang paglaganap ng COVID-19.

Sa panayam sa telebisyon, sinabi ni United Filipino Seafarers president Nelson Ramirez na maraming mga Pinoy seaman ang nagbakasyon noong Disyembre 2019 at nakapirma na ng kontrata para bumiyahe muli noong Marso 2020 subalit hindi na ito natuloy.

“May mga bumaba ng barko ng December na nagbakasyon at babalik dapat ng Marso. Nakapirma na ng kontrata pero simula Marso, hindi pa makasakay. Marami ang nasa Metro Manila,” sabi ni Ramirez.

Malaki ang ambag ng mga marinong Pilipino sa ekonomiya ng Pilipinas. Noong 2019, umabot sa $6.5 bilyon ang remittance nila sa mga kamag-anak. Mula Enero hanggang Abril ngayong taon, umaabot na sa $2.1 bilyon ang pinadalang remittance ng mga Pinoy seaman sa kanilang mga pamilya.(Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.