Abante Tonite Interactive

Horoscope 03/15/2018

1,544

maggie-wilsonMargaret ‘Maggie’ Wilson Consunji
Birthday: March 15, 1989

PISCES WOMAN IN RELATIONSHIPS

Siya ang klase ng babae na magtatagal sa relasyon hangga’t masaya siya at ins­pired. Hindi niya agad na ibubuhos ang 100 percent na pagmamahal dahil naniniwala siya na mas masarap ang ­hindi ‘hinog sa pilit’.

May pagka-mailap sa simula subalit kapag naramdaman na niya na totoo at sincere ang ka-partner, handa niyang ibigay ang lahat. Pero kapag naramdaman niya na niloloko at hindi na siya nireres­peto, mabilis na mamatay ang kanyang love kaya’t goodbye na agad sa relasyon nang walang pagdadalawang-isip.

ARIES (March 21-April 19) – Samantalahin ang tuloy-tuloy na daloy ng suwerte. Huwag lumaki ang ulo sa magagandang papuri sa iyo. Lalayuan ng mga kaibigan kapag naging mayabang. Lucky color: Violet, lucky number: 33.

TAURUS (April 20-May 20) – Ingat sa paghakbang. Maging matapang sa mga buma­batikos. Lilipas din ang init ng ulo. Magpalamig sa tahimik at preskong lugar. Lucky color: Gold, lucky number 40.

GEMINI (May 21-June 20) – Matutong makisama kahit magkakaiba ng opinyon. Ipa­kita na kaya mong i-handle ang isang kumplikadong sitwasyon. Huwag mainis kapag hindi mo nakain ang gustong pagkain. Lucky co­lor: Brown, lucky number: 46.

CANCER (June 21-July 22) – Isang kasama ang may inggit. ­Ingat sa mga pa-sweet pero may maitim na ­balak. May malakas na boses na maririnig. Lucky ­color: Green, lucky number: 44.

Related Posts

LEO (July 23-August 22) – Magiging maganda ang umpisa ng araw. Gawin ang bagay na nagpapasaya sa iyo. Huwag makinig sa mga tao na gusto ka lang guluhin. Lucky ­color: Orange, lucky number: 9.

VIRGO (August 23-September 22) – Hindi mapapakali. May nararamdaman na alam mong hindi tama. Kumal­ma at mag-relax. Hindi kailangang madaliin ang mga bagay na puwedeng gawin kinabukasan. Lucky color: White, lucky number: 36.

LIBRA (September 23-October 22) – Buksan ang komunikasyon. Sumama sa mga taong may katulad na interes. Lumayo sa mga nega na lalong magdadala sa iyo sa kalungkutan. Pag-ipunan ang mala­king okasyon. Lucky color: Silver, lucky number: 6.

SCORPIO (October 23-November 21) – Mangingibabaw ang magandang opinyon. Umpisahan na ang pagbabago sa gustong gawin sa buhay. Huwag magpa-uto sa matatamis na dila. Lucky color: Blue, lucky number: 13.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Matutupad ang matagal nang wish. Ibuhos ang energy sa ginagawang proyekto. ­Huwag sayangin ang salita sa mga walang kuwentang bagay. Lucky co­lor: Orange, lucky ­number: 20.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Umiwas sa away. Kung may nasaktan, mag-sorry na agad. Ilabas ang nakatagong ga­ling na inaabangan ng marami. Huwag matakot na magsalita sa harap ng maraming tao. Lucky ­color: Silver, lucky ­number: 3.

AQUARIUS (January 20-February 18) –Mag-reflect. Marami na ang nasabi at naganap. Hindi kailangang magtago at mahiya. Sa­rili mong desisyon ang ginawa at walang maa­aring kumuwestiyon dito. Pag-ingatan ang magandang relasyon. Lucky color: Yellow, lucky number: 41.

PISCES (February 19-March 20) – Guma­law-galaw. Kailangang pawisan para hindi ta­marin. Sumali sa mga ­aktibidad na hindi pa nasusubukan sa buong buhay. Magiging maayos ang pakiramdam kapag nasabi na ang gustong sabihin. Lucky color: Red, lucky number: 11.