Abante Tonite
Mabilis sa Balita

817 pulis Maynila na-COVID, 4 nasawi

0 276

May 817 pulis-Maynila na ang nadale ng COVID at apat na ang nasawi.

Ito ang kinumpirma ni Manila Police District (MPD) Director PBGen. Leo Francisco kung saan may 712 na ang nakarekober sa sakit.

Sa kasalukuyan, nasa 100 pang pulis Maynila ang may aktibong kaso at ginagamot sa mga quarantine facility.

Huli umanong nasawi si PSSg Cenen Evangelista na nakatalaga sa MPD-Traffic and Enforcement Unit.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nalaman na nagpabakuna umano si Evangelista noong Marso 31. Bago siya nagpabakuna ay napositibo siya sa COVID-19 at siya ay asymptomatic. Abril 7 nang mamatay ito sa isang ospital sa Maynila.

Nagdalawang isip umanong si Evangelista na magpabakuna pero sa takot na maasunto sa pagtangging

mabakunahan ay napilitang magpaturok. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.