Abante Tonite
Mabilis sa Balita

82-anyos na Haponesa sinakal ng kawatan

0 351

Patay ang isang matandang Haponesa nang sakalin ito ng hindi nakilalang mga suspek na nanloob sa kanyang bahay sa Barangay Pulo, Cabuyao City, Laguna.

Umaga na ng Linggo nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Maezawa Reiko, 82, taga-Chiva, Japan, na nakabulagta sa loob ng kanyang kuwarto sa Millwood Subdivision.

Magkasalikop na nakatali ang mga kamay at paa nito at nilagyan ng towel ang bibig.

Sa imbestigasyon ng Cabuyao City police, nakapasok ang mga magnanakaw sa pamamagitan ng pagwasak ng isang bahagi ng kisame sa gilid ng bahay noong Sabado ng gabi.

Natangay ng mga kawatan ang gintong wedding ring ng biktima, isang iPod, Samsung cellphone na may kabuuang halaga na P41,000.00.

Sa resulta ng pagsusuri ng SOCO sa bangkay, pagsakal at suffucation ang ikinasawi ng biktima.

Tinutugis ngayon ng mga awtoridad ang dalawang person of interest sa krimen. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.