Abante Tonite Interactive

820 preso sa MCJ ga-graduate sa ALS at ALS INFED

223

Magtatapos ngayon umaga ang may 820 bilanggo o Persons Deprived of Liberty (PDL) sa Manila City Jail (MCJ) sa Maynila.

Ayon kay Jiso Jayrex Bustinera, spokesman ng MCJ ,ang mga nabanggit na preso ay nagtapos sa Alternative Learning Skills (ALS) habang ang iba naman at ALS INFED Hilot Wellness & Tile Setting NC-II courses.

Magsisimula umano ang graduation ceremony ng mga preso dakong alas- otso nang umaga sa MCJ.

Ang 2019 graduates umano ang pinakamadami kumpara sa mga nagtapos noong 2018 na umano’y nasa 600 graduates.

Ang aktibidad ay dadaluhan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Maynila at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ang naturang proyekto ay bahagi ng rehabilitasyon sa mga bilanggo para maihanda ang mga preso na magkaroon ng mapapasukang trabaho paglabas ng bilangguan.

(Juliet de Loza-Cudia)