Abante Tonite
Mabilis sa Balita

822 barangay tatanggap ng tig-P20M pondo

0 297

Tatanggap ng tig P20 milyong halaga ng pondo ang bawat 822 barangays na malaya na sa impluwensiya ng New People’s Army (NPA) sa ilalim ng Barangay Development Program (BDP) ng pamahalaan.

Ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon, walang katotohanan ang pahayag ni CPP-NPA spokesman Marco Valbuena na ang P20 milyon ay paghahatian lang ng 215 barangay o P93K lang ang matatanggap ng bawat barangay.

Unang inihayag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na aabot sa 822 barangay ang mapapabilang sa BDP, ang flagship project ng administrasyong Duterte.

Ngayong 2021, inaprubahan ang pondong P16.4 bilyon para sa BDP na ang layunin ay bigyan ng mabuting buhay ang 822 barangay na malaya na sa banta ng rebelyon.

SM food to go Banner Ad

“For the benefit of Mr. Valbuena and his readers, allow me to further reiterate that the P20 million worth of programs and projects he speaks of is to be given to each barangay cleared of the NPA threat and influence from 2016-2019. It would be ridiculous to assume, in his words, that “each barangay will get a health center worth ₱6,976… Or P13,953 for a school building,” sabi ni Esperon.

Noong nakaraang linggo, nilagdaan na ni Budget Sec. Wendel Avisado ang Local Budget Circular No. 135, na magsisisilbing guidelines sa pagpapalabas ng NTF-ELCAC’s Local Government Support to the Barangay Development Program (LGSF-SBDP).

Nilinaw din ni Esperon na ang mga proyekto ng BDP ay dumaan sa konsultasyon ng iba’t ibang sektor partikular na sa mga lugar na naimpluwensiyahan ng NPA.

Aniya ang mga civilian agencies ang mangunguna sa implementasyon ng BDP sa tulong ng private sector.

Leave A Reply

Your email address will not be published.